Oscar Wilde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 11:18, 3 Enero 2011 ni FoxBot (usapan | ambag)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap
Si Oscar Wilde.

Si Oscar Fingal O'Flahertie Wills Wilde (16 Oktubre 1854 – 30 Nobyembre 1900) ay isang Irlandes na mandudula, makata, at may-akda ng maraming bilang na maiikling mga kuwento at isang kathambuhay. Kilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip at pang-unawa, naging isa siya sa pinakamatagumpay na mga manunulat ng mga dula ng huling bahagi ng panahong Biktoryana sa Londres, at isa sa pinakadakilang mga "taong sikat" ng kanyang kapanahunan. Ilan sa kanyang mga dula ang patuloy pa ring itinatanghal, partikular na ang The Importance of Being Earnest. Bilang resulta ng isang malawakang sinubaybayang mga paglilitis, nagdusa si Wilde ng isang nakakaantig na pagbagsak at nabilanggo sa loob ng dalawang mga tao upang gumawa ng mabibigat na mga gawain, pagkaraang mahatulan ng pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang homoseksuwal, na inilarawan bilang "sukdulang kalaswaan" sa piling ng ibang mga lalaki. Pagkaraang mapawalan mula sa kulungan, naglakbay siya papunta sa Dieppe sa pamamagitan ng pagsakay sa pang-gabing barkong pangtawid at hindi na muling nagbalik pa sa Irlanda o sa Britanya.

TaoPanitikanIrlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Panitikan at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.